Sistema para sa mga Modular subjects sa L.S.A.
January 25, 2020
Sa La Salle Academy, Iligan City, may sistemang pinapairal sa senior highschool department para sa pagpapakilala ng mga modular subjects para sa mga mag-aaral. Sa sistemang ito, ang isang modular subject ay may dalawang quarter sa isang semester, pagkatapos naman ay mapapalitan na naman ito ng bagong modular subject, at bawat quarter naman ay may pinapagawa na Project Based Learning o PBL. Sumasatotal ito ng dalawang gawain para sa mga mag-aaral para sa isang durasyon ng modular bago mapapalitan na naman ng bagong subject. Dibale sa isang semester nakakagawa ang mag-aaral ng apat na PBL para sa dalawang modular.
Itong bagay na ito, ang sistema para sa mga modular subjects ay napaginteresan ako para ipahayag ko ang aking saloobin, dahil sa aking sariling pananaw ang sistemang ito ay nakakasagabal para sa mga estudyante dahil sa oras na pinapagawa ng modular subject ang PBL nila sinasabayan pa ito ng mga iba’t-ibang subject tulad ng paggawa ng PBL ng mga major subject o kaya paghahanda sa mga pasulit nito, sa ganitong mga sandali marami ang nahihirapan kung ano ang uunahin, lalo’t na malaki ang binubuo ng PBL sa grado ng mga mag-aaral, at importante din unahin ang mga major subjects.
Sa pangkalahatan ng aking pahayag, sa tingin ko kailangan pa ng pagpapabuti ang sistemang ito or kaya ayusin para hindi nagbibigay ng masyadong kahirapan para sa mga mag-aaral. Mas maayos pa ata kung gawin itong sistema pareho noon sa Junior High School kung saan ang ibang subjects ay pinagiintegrate ang gawain sa ibang subject upang magpapadali ito sa proseso para sa mga mag-aaral